Sunday, June 25, 2017

Bet Ni Nanay: Goya Double Chocolate Spread


Mga Nanay! Back-to-school na ang mga bagets kaya time to restock again ang mga pambaon at pang breakfast ng aming Little Donya. Favorite nya ang Nutella ba pang palaman nya kapag breakfast. Pero naman, ang mahal kaya nun! 'Pag may budget, go lang. Keri bumili ng isa o dalawang big jar kung sale. E kung wala, e di peanut butter na lang! Hahaha... Joke lang.

May nadiscover kami na pantapat sa Nutella. Half the price pero masarap. Pramis! Bibili na sana ako ng maliit na jar ng Nutella dahil paubos na yung nasa bahay tapos nakita ko yung Goya. Yes, mamshie! GOYA! Ang pambansang tsokolate ng Pinas! Nung una medyo napaisip ako baka hindi masarap pero nakalagay Double Hazelnut kaya umasa akong magugustuhan ng aking bagets ito. Maliit muna na jar ang binili ko. Nasa P150++ lang. Sorry na nawala yung resibo ko, eh. Nakalimutan ko na agad kung magkano eksakto.

Pagdating sa bahay, binuksan ko agad at pramis, masarap sya!!! Ang sabi nga ng aming Little Donya "Lasang Ferrero, Mommy!" Yun nga! Ganun nga ang taste nya. At 'wag ka! Tatlong araw lang ubos agad yung 350 grams. Ginagawa kasi naming dessert. Hahaha...

So ayan, mga nanay, kung gusto nyo ng MURA at MASARAP na chocolate spread, buy na ng GOYA Double Chocolate Spread. Patok sa mga bata at sa buong pamilya.

✔️ Budget-friendly
✔️ Yummy
✔️ Aprub ni bagets

Certified bet ni Nanay!

Update: Bumili na kami ng 2nd jar namin after 3 days. 'Yung 750 grams na. P250.00 lang mga inay!

No comments:

Post a Comment